Laman tyan din yan, pede na.
Gusto ko na magka-bf eh..ok na siya.
Mukha nman siyang okay…di ba?
Three different sentences..Three enganged people. What is common among them? Mediocrity.
Sabi nga ni Jacq “satisficing” sa blog nya ang tawag sa ganun.. in elaboration terms: acceptable to the taste since it’s the conveniently available and comfort zone as its finest. Whew..kakatawa pakinggan noh?
Hindi nakakatawa. Totoong tao ang involved.
At kasama ang mga feeling dito.
Sabi nga ng matatanda, hindi ito pagkain na pedeng iluwa kapag ayaw mu na..and all that *jazz*. Hindi joke ang pagpapakasal.
Nothing personal really.
I’m just scared to see people wallowing themselves to achieve what is *reachable*. Abot-kamay..pero sabi din nila..
Bat ka pa maghahanap..Andyan na yan.
Ok na.
Pede na.Or worse - - - nabuntis ko eh.Nagtataka lang ako kung pano ako haharap sa altar at ganun ang wedding vows mu.
Hindi ko cguro maatim.
Hindi ko kaya na sabihin ang mga ganun.
Gusto ko proud ako.
Gusto ko taas noo kung sasabihin na naghanap kaming dalawa sa *crowd*.
Gusto ko sabihin na pinag-trabahuan naming ang relasyon na ‘yun para makaharap kami ng buo ang loob sa Kanya.
Gusto ko masabi na “mahal ko ang tao na ‘to Lord”
…at hindi lang ako napilitan kasi wala na akong choice.
At ganyan ang mangyayari sa araw na yun. Ganyan.
Friday, 22 June 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment