naisip kong ipanalangin
sa Iyo ang pagdaraan ko sa bagong buhay
na tatahakin ko.
..sa bawat pagbabago
may napapabuti
may napapasama
..sa bawat pagbabago
iniisip ko sana ay Ikaw ang may gawa
ndi ko mawaring pinabayaan Mo lang ito mangyari
sa akin.
sabi nga nila
winners make things happen
losers let things happen.
sa tingin ko
win-win situation ako basta ako ay ginabayan Mo.
ang time mabilis kapag may gusto kang marating
tulad ng "change" constant ito
sa paglipas
sa pagtakbo
kahapon lumalakbay ako sa buhay ng nakapikit
ngayon buong tapang akong humaharap sa daluyong
ng dagat
ng hapon
ng umaga
ng hangin
humahalik ako sa pag-asa ng pagbabago sa buhay ko
makakamtam ko ang tagumpay na batid Mo para sa akin
para magbigay ako ng buhay sa buhay...
at alam ko sa bawat hakbang at unos
ay nariyan ka
at ako ay
hawak ang kamay
Mo,
Panginoon.
Monday, 25 June 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment