Saturday, 7 April 2007

ka-M.U.

Heto ako at nakarinig na naman ako ng linyang "M.U. lang,
hindi pa kame."

Pero hindi na ako katulad ng dati na ngingiti, kikiligin at manunukso. Bakit ako nagkaganito? Bitter? Sour-guyabano? Nagmamaganda? Actually, I learned the hard way...Eto ako natuto at naging practical. Nalaman ang mga bagay na akala ko ay hindi pala totoo..at mga bagay na totoo pala.

Nakatalikod ako sa nakaraan, nakangiting nakaharap sa bukas..dala ang aral ng mga nakalipas. At simple na lang ang nagiging sagot sa ganitong sitwasyon..'He's NOT that into you! Kung hanggang m.u. lang kayo.'

Sabay salag sa hampas ng mga salitang isasagot sa akin ng taong guilty. O kaya nman sabay salo sa mga luha ng isang kaibigang nakalaya sa pagkakakulong sa isang palaisipang pilit ikinukubli sa mga hiram na sandali at limos na pagtingin.

Anu na nga ba ang M.U.?
Mutual understanding..you know
mutual desires, mutual benefits, walang expectations..common ground daw..Ganun lang.
Ganun.

In other words nagkakaintindihan kayo ng walang formalities...At sino nman nagsabi nito? Hulaan ko. Si Miriam-Webster? o si Thesaurus?
Ahhh..ang nagsabi nito..ay silang mga nilalang na optimistic (na sa opinion ko ay masochist din) Pero sa katulad ko na pessimistic....
ang M.U. ay Mean-time Understanding.
In short, pampalipas oras, panandaliang-aliw....pan-samantala (habang wala pang iba)!

Nakakalungkot ba itong marinig? Ganun talaga..truth hurts but at the same time, only the truth will set you free.

Kaya sa susunod na may mag-offer sa iyo ng ganitong relasyon..
(kung matatawag mu man ito na relasyon! Hehehe.)
mag-isip mabuti and "Know your worth, your value."

Sa huli kasi..talo ka dito eh. Kasi nakikipaglaro ka ba dapat sa feelings? Gusto mu ba ng joke parati o kaya ng laro..ayaw mu bang seryosohin ka ng ka-relasyon? At bigyan ka ng tunay at walang kupas na pagpapahalaga?

Sa m.u. gray lang ang kulay..walang puti o pula..lahat gitna. Sa T.L. or true-pag-ibig: 'give and take' kayo at take note - - parehas na panalo! ;-)

Last message ko sa mga practicing M.U.....eto galing sa movie:
"Sometimes its good to be brave, but it's better to be wise. "
- says the dragon to Knight Eragon

No comments: