Wednesday, 25 April 2007

You're Not Here

How far will you go for love? How far will you try to find the answers to what the voices in your head is asking you..which also keeps you awake every single night?

Maybe it is not tangible or measureable by anything under the sun. Maybe it cannot be decrypted or maybe it is not what our senses can perceive or achieve. So, if its something indefinite, will it last long enough to stand the test of time? Will it last at all?
How far will you go to survive the loneliness of being alone? How far will you go to be with love?
Maybe there is no way out of sadness or way in to be with love.
Maybe it is not a matter of survival or missing someone or winning.
Maybe it is just being there for someone or somebody
or maybe being alive makes all the difference.
Maybe.

Sunday, 22 April 2007

Seasons Change

I used to enjoy the luxury of rekindling the past.
Hoping that each day that passed me by will last a little more
by trying to live in the past.
But I realized too soon or maybe even too late
when I heard from someone that "yesterday ended last night.."
And that 'hit me'..not bottom hard hit
but it spank me back to reality
that when everything was said and done..that's it!
---No turning back.

So you know what..i'm just looking at my life like it's a staircase.
That everyday is a step. But I can make my own destiny.
And what I need to do is enjoy the journey.
Savouring each moment...
each minute and every second.

And then all of a sudden it changed again.

With a single glimpse that turned into every smile.
Each goodnight and a simple hello that you pass to each other.
And every twinkle in the eye when you hear his name..*sigh*
It's just that everything that I thought
I can quote past, present and future was gone.
*poof*

Now..everything is like the river..
continuous and progressing..
looping through the air... evaporating
Then goin back again through the clouds..condensing.
Until summer comes back again.
Let it rain.

Friday, 20 April 2007

Addict sa PBB (Season 2)

Hook na hook na naman ako sa PBB Season 2. Nagpapakababaw dahil kinikilig ako kay Saicy at Robert..Wendy at Bruce. Korni talaga ako minsan pero kadalasan nga jologs din. Mushy at cheesy..tulad ng khit sinong babae. Kaya eto feeling langit at cloud 9 ako..ikinakanta ang mga love-song nila na 'if we fall in love' at 'when she cries'..haaayyyy!

Ang malaking 'question mark'...Nakaka-relate ba ako sa mga storya nila? Abangan na lang naten ang kasagutan dyan sa susunod na kabanata.

In the mean time..eto muna ang LSS ko for this month ;-)

Just Like Heaven
by the Cure

"Show me how you do that trick
The one that makes me scream" she said
"The one that makes me laugh" she said
And threw her arms around my neck
"Show me how you do it
And I promise you I promise that
I'll run away with you
I'll run away with you"

Spinning on that dizzy edge
I kissed her face and kissed her head
And dreamed of all the different ways I had
To make her glow
"Why are you so far away?" she said
"Why won't you ever know that I'm in love with you
That I'm in love with you"

You
Soft and only
You
Lost and lonely
You

Strange as angels
Dancing in the deepest oceans
Twisting in the water
You're just like a dream

Daylight licked me into shape
I must have been asleep for days
And moving lips to breathe her name
I opened up my eyes
And found myself alone alone
Alone above a raging sea
That stole the only girl I loved
And drowned her deep inside of me

You
Soft and only
You
Lost and lonely
You
Just like heaven

P.S. Pero eto ang cgurado ko..ayoko maging 'mean'-time girl at lalong ayoko maging 'rebound' girfriend..End of story.

Tuesday, 17 April 2007

Thinking Aloud

Iniisip ko na pede kitang kantahan ng 'Isipin Mo' ni Jett Pangan.
Iniisip ko na pede tayong makalimot sabay sa nakaraan.
Iniisip ko na baket hindi na lang kita nakilala nuon pa.
Iniisip ko kung baket napansin na kita nuon pero pinalipas ko na lang.
Iniisip ko rin kung baket ngayon lang kita napansin.

Siguro ngayon ang tamang panahon.
Siguro may oras at lugar nga sa lahat ng bagay.
Siguro ngayon pa lang “nag-fall into place” ang buhay buhay nating dalawa
Siguro kailangan magkaroon tayo ng mga nakalipas para magkatagpo tayo ng landas.
Siguro dapat ikanta ko na lang muna ang “Panalangin”

Dahil ndi ko pa alam kung dapat ko na nga itong isipin
Dahil ndi ko pa rin alam kung baket hindi tayo parehas makalimot sa pait ng nakaraan
Dahil ndi ko pa rin alam kung handa na ako
Dahil ndi ko pa rin alam kung ano ang nararamdaman ko tungo sa iyo.
Dahil ndi ko pa rin alam talaga..nalilito ako.

Sana ito na ang tamang panahon na dapat kong pag-isipan ang mga ito.
Sana makalimot na tayo sa nakaraan at makagalaw na tayo sa nakalipas.
Sana ndi na ako malito (kung totoo man itong nararamdaman ko.)
Sana ikaw na lang..

ikaw na mag-isip ng mga ‘to.
Sana…ikaw na.


Friday, 13 April 2007

Life's a Beach!

i've been frequently asked why i love the beach so much..let me list 10 of my so many reasons:

1. away from technology....although may mga internet cafe na rin at mobile sites ang ibang commercialized at sikat na mga beach sa Pinas.
2. feeling ko ang lapit ko sa sun! At pede ako kumanta ng "i'm walking on sunshine..wohhhhh!"
3. i love fish & seafood..need i say more?
4. fresh air...haaayyyy...priceless ang new & refreshing environment!
5. ang ganda ng view! Sunset at sunrise man..waves touching the sand... Breathtaking!
6. masarap magbabad sa dagat!
7. sand castles!
8. Extreme water sports..para-sailing, kayaking, banana boat riding
9. close ka sa nature...island hopping, snorkling, diving, fishing..marami pang iba!
10. bum ka na nasa paraiso! *winks*

……….san kaya next stop?

Wednesday, 11 April 2007

May Kulang

Mas-masaya sana ang weekend kung ikaw ay kasama ko rin....*sniff*
Haaayyy...anu nga ba ang nangyari sa 'holy' weekend ko?

Holy Friday ng umaga, galing sa puyat dahil iki-nombo ko ang 'Bisita Iglesia' at movie-marathon over chips & popcorn. Sa hapon nag-syesta ako para maka-recharge sa pagpasok sa opisina sa gabi..

At yun nga sa Good Friday night? Work. Work. Work.

Sabado de Gloria..umuwi sa bahay at nag-semi-hibernate dahil biglaan ang desisyon na mag-summer outing na agad kamni kinabukasan with my family and some relatives ;-)

Easter Sunday ng madaling araw..Anu ang hiwaga ng araw na ito? Simple lang, may “for-mom errands” ka ba? Ako hindi nawawalan. At kasama dito ang pagsundo sa mga anak ng bestfriend ng nanay ko..Asa pa ako na makatanggi di ba?

Escape ako from reality..power nap ng 2 oras.

Larga na agad papuntang Laguna..kelangan maunahan ko ang mga pinsan ko na galling Cavite para sa convoy papuntang resort.

Nakaka-miss ang pakiramdam na nakababad ka lang sa hotsprings at nakatingin sa stars. Pero mas nakakamiss ang makipagkulitan sa mga kapatid ko at mga pinsan..walang kapantan ay pakiramdam na kasama mu mga mahal mo sa buhay. Truly, priceless! *winks*

Lunes ng umaga..eto na ang kakaiba - - - pauwi na kami ng Maynila..dama mo na eto ay Maynila. Baket? Sa pag-exit ng C5 tollgate nagkamali ako ng lane, napunta ako sa E-pass gate. Good for me at wala pang mga law na ganun. Sa kabilang banda, bat nga ba walang law sa ganun? At pagkalabas ko ng Kalayaan at Edsa papunta na akong Roxas eto ulit ako. Nagagalaiti na ang nanay ko at nasa inner lane ako. Tama siya, ilang minuto lang may kumakaway na sa akin mga opisyales. Huli ako pero wala pa rin tiket. Baket?
Simple lang may mga ‘kamag-anak’ kami sa puwesto kahit papaano at lusot na naman ako. *Hinga* Pero sa kabilang-banda ulit dapat ba akong magsaya. Ngayong alam ko na ndi pa rin nawawala ang red-tape sa sistema?

Buti na lang at huli na iyon. Isa lang talaga ang tama ng utak ko. Ang maikwento ang lahat ng ito sa iyo.


Nangangarap na sana..
sana ikaw din ay kasama ko.

Kung baga sa frapp, ikaw ang whipped cream..sa pancakes, ikaw ung syrup..sa halo-halo, ikaw ang ice cream. In other words, pede naman maging frap na walang whipped cream, pede naman ang pancake na walang syrup at pede naman ang halo-halo na walang ice cream...

Pero mas okay kung meron...mas okay kung kasama ka.

...sanayan lang siguro.

P.S. Alam ko naman kung makakapili ka lang sa trabaho dito sa pinas at kung may pagkakataon ka, gusto mo rin na makasama kami.

Saturday, 7 April 2007

ka-M.U.

Heto ako at nakarinig na naman ako ng linyang "M.U. lang,
hindi pa kame."

Pero hindi na ako katulad ng dati na ngingiti, kikiligin at manunukso. Bakit ako nagkaganito? Bitter? Sour-guyabano? Nagmamaganda? Actually, I learned the hard way...Eto ako natuto at naging practical. Nalaman ang mga bagay na akala ko ay hindi pala totoo..at mga bagay na totoo pala.

Nakatalikod ako sa nakaraan, nakangiting nakaharap sa bukas..dala ang aral ng mga nakalipas. At simple na lang ang nagiging sagot sa ganitong sitwasyon..'He's NOT that into you! Kung hanggang m.u. lang kayo.'

Sabay salag sa hampas ng mga salitang isasagot sa akin ng taong guilty. O kaya nman sabay salo sa mga luha ng isang kaibigang nakalaya sa pagkakakulong sa isang palaisipang pilit ikinukubli sa mga hiram na sandali at limos na pagtingin.

Anu na nga ba ang M.U.?
Mutual understanding..you know
mutual desires, mutual benefits, walang expectations..common ground daw..Ganun lang.
Ganun.

In other words nagkakaintindihan kayo ng walang formalities...At sino nman nagsabi nito? Hulaan ko. Si Miriam-Webster? o si Thesaurus?
Ahhh..ang nagsabi nito..ay silang mga nilalang na optimistic (na sa opinion ko ay masochist din) Pero sa katulad ko na pessimistic....
ang M.U. ay Mean-time Understanding.
In short, pampalipas oras, panandaliang-aliw....pan-samantala (habang wala pang iba)!

Nakakalungkot ba itong marinig? Ganun talaga..truth hurts but at the same time, only the truth will set you free.

Kaya sa susunod na may mag-offer sa iyo ng ganitong relasyon..
(kung matatawag mu man ito na relasyon! Hehehe.)
mag-isip mabuti and "Know your worth, your value."

Sa huli kasi..talo ka dito eh. Kasi nakikipaglaro ka ba dapat sa feelings? Gusto mu ba ng joke parati o kaya ng laro..ayaw mu bang seryosohin ka ng ka-relasyon? At bigyan ka ng tunay at walang kupas na pagpapahalaga?

Sa m.u. gray lang ang kulay..walang puti o pula..lahat gitna. Sa T.L. or true-pag-ibig: 'give and take' kayo at take note - - parehas na panalo! ;-)

Last message ko sa mga practicing M.U.....eto galing sa movie:
"Sometimes its good to be brave, but it's better to be wise. "
- says the dragon to Knight Eragon

Tuesday, 3 April 2007

LSS: Alin dito Jane?

"Nang-iinis nga cguro lang talaga ang tadhana..bakit kelangan ko bang mamili pati ng kanta na magiging LSS ko for the month..anak ng! Hindi na cguro..dalawa na lang cla 'pang-gulo' sa utak ko tutal 'un naman ang silbi ng 'LSS', di ba? ;-) "

Ang sagot ko, "Ewan ko sa 'yo..Buhay mu yan eh!" Sabay balik sa libro na hawak ko.

"Nakikinig ka ba?"
"Oo..wag kang makulit.."
"Anu nga ulit sinabi ko? Sabagay..hmmm..aasa pa ba ako?!?"


Sundo
by Imago

Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin,
para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Sinusundo kita,
Sinusundo...

Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo
Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo

Sa akin mo isabit ang pangarap mo
Di kukulangin ang ibibigay
Isuko ang kaba tuluyan kang bumitaw
Ika’y manalig Manalig ka..
Sinusundo kita
Sinusundo...

Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo
Asahan mong mula ngayon
pag-ibig ko’y sayo

Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo’ng sundo
============================

Tensionado
by Soapdish

Tensionado
Nagulat din ako
Nong malaman na hindi lang pala ako
Yung nanghinayang
Nong nagaway tayo noon
At natuluyan sa iyakan at tampo
At sandali lang
Huwag ka munang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Ang iniisip ko kung pwede pa ba tayo
At miserable
Paulit-ulit lang ang nangyayari
Paikot-ikot tayo parang bote
At nasanay ka na ba doon
At nalimutan ang aking mga tanong
At hindi malinaw
Pwede bang wag kang sumigaw
Di ko hahayaan lahat ito ay maligaw
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayo
At sandali lang
Huwag ka munang magsalita
Di ko hahayaan lahat ito ay mawala
Nagtatanong sayo kung pwede pa ba tayo

"Nga pala..Hindi sa akin ito..para sa isang kaibigan..isang makulit na kaibigan na konti na lang babatukan ko na..Ay nde, nasapak ko na pala..ayaw magising sa mundong ibabaw eh..nakalutang pa rin sa kawalan..hindi alam kung saan galing, hindi rin tuloy alam saan papunta! ;-) Kaya sabi ko...ikanta mu na lang muna..habang nililinaw mu ang utak mo na as 'clear as the mud'...Hehehe."

Pero pinaalalahanan ko na rin na... 'kelangan mu nang kumapit sa liwanag..
tanawin ang araw..
hindi titigil ang oras para antayin ka..
iikot pa rin ang mundo..iinog pa rin ang buhay. Mag-umpisa ka na.