Thursday, 22 March 2007

Balik tanaw sa pagka-bata ang ginawa ko nung Sunday...Ipinasyal ko ang nanay ko bago siya ma-confine sa hospital ng Lunes. Siyempre bitbit nya ang mga kapatid ko at mga pinsan. Dahil birthday ni dad sa Friday, nilibre din niya kami ng lunch..at sagot ko naman ang entertainment...as usual.

Hindi na tulad ng dati ang epekto ng paglalaro sa arcade. Mas-enjoy na ako manuod at mag-take ng piktyurs sa kanila.

Pero ang kakaiba dito..regalo lang din ang mga tiket ng 'TimeZone' na ito. Masarap sa pakiramdam ang makapamahagi sa mga mahal ko sa buhay ang mga biyaya na natatamasa ko ;-)

*salamat nga pala kay Nix sa libreng tiketz!* Wuhoo!

No comments: